Saturday, May 21, 2011

MPHR Isang Tula

Mabuti pa noong araw merong bayanihan. 
Hanggang ngayon naman yata nangyayari pa ito.
Pero napapansin namin, may ilang mga Pilipino,
Mas pinipiling maghilahan,
Kapag umaangat ang ibang kalahi,
Nagtataka, bakit sila nagtatagumpay?
Aba, aba hindi dapat iyan, 
Pareho-pareho lang tayong Pilipino,
Kung hindi ko kayang tumaas,
Aba, ang yabang mo na ngayon,
Halika dito ka sa baba,
Kung kailangan pa kitang siraan,
Kung kailangan pa kitang saksakin sa likod,
Kung kailangan pa kitang tadyakan sa tagiliran,
Hihilahin kita dito,
Pilipino ka rin, 
Dapat dito sa baba,
Magkasama din tayo.

- Manila Pop Hits Radio

No comments:

Post a Comment