Monday, May 23, 2011

MPHR: Balang Araw, Sa Makalawa

Balang araw, hindi na kita guguluhin;
Isang araw, hindi ka na maghihintay, maiinip at
Kailangan ipaalam iyong bawat hakbang,
Malaya ka ng magagawa ang lahat ng kagustuhan ng puso;
Balang araw, lubusan ka rin na liligaya;
Sa makalawa, magiging nakaraan na lang ang lahat,
Isang alaala sa ihip ng hangin, sa huni ng mga ibon;
Isang alaala na lang ako sa buhay mo;
Matatagpuan mo na ang kaligayan,
Na matagal mo ng hinahanap;
Sa makalawa, ikaw ay magiging masaya,
Kahit papaano, minahal kita ng sobra-sobra,
Habang ako'y nandito pa..


- MANILA Pop Hits Radio

No comments:

Post a Comment