Friday, January 8, 2010

Sino Ka, Pilipino?

"Sino Ka, Pilipino?"

by Marck Salamatin (2008)


Alam mo ba ang Prinsipyo?
Bakit may ilan sa atin
ay Nababayaran? Nabibili?
Ano ba ang Pagmamahal sa Kapuwa?

Ano ba ang pakiramdam
Ng isang nakagawa ng
Makakabenepisyo
Sa mas maraming tao
Kahit Isinakripisyo niya ang
kaniyang sarili
Maski ang kapakan ng
kaniyang mga Mahal sa Buhay?

Sino ba ang kailangan na
Kumapit sa Patalim?

Magsisindi ba tayo ng
isang Kandila?
Mananatili ba tayong naglalakad
Ng paliku-liko sa Dilim?

Umunlad sana tayong lahat
Na walang maski isa sa atin ay
Maapakan para lamang
Umangat ang iba.

Hindi ba,
Inawit pa ni Lolita,
Sa kabila ng lahat
Umibig,
Mangarap,
Umasa!

No comments:

Post a Comment